Oo, tetris. Ang larong ito ay isa sa mga pinakasikat na video game noong dekada 80 at 90. Ang layunin ng larong ito ay maglagay ng mga hugis na binubuo ng apat na bloke sa isang patag na lugar. Kapag nakabuo ng isang buong linya ng mga bloke, ito ay mawawala at magbibigay ng puntos sa manlalaro. Ang laro ay tumatagal hanggang sa maubos ang espasyo o maabot ang pinakamataas na antas.
"Ang mga lalake nakikisunod sa talaga sa uso, pati tetris ginagaya, panay ang patong, pag nakabuo bigla na lang maglalaho"
Ngunit bakit nga ba ginagaya ng mga lalake ang tetris? Ano ang koneksyon nito sa kanilang pag-ibig? Simple lang ang sagot. Ang mga lalake ay mahilig pumatong hahaha, alam mo na kung ano yun. Hindi lang sa kama kundi pati na rin sa mga babae. Sila ay naghahanap ng iba't ibang hugis at kulay ng mga babae na makakasama nila. Sila ay nag-eenjoy sa paglalaro at pagsubok ng kanilang kakayahan. Kapag nakabuo sila ng isang relasyon o commitment o kaya nakabuo ng baby ay diskokopo, bigla na lang silang maglalaho. Oh diba parang tetris lang hahaha.
Ang masaklap pa dito, hindi nila alam kung ano ang kanilang ginagawa. Hindi nila alam kung gaano nila nasasaktan ang mga babae na kanilang pinaglalaruan. Hindi nila alam kung gaano kahirap maghintay at magtiwala sa isang lalake na baka bukas ay wala na. Hindi nila alam kung gaano kahalaga ang pagmamahal at pagtutulungan sa isang relasyon.
Kaya naman, sa mga kababaihan na nakaranas o nakakaranas pa ng ganitong sitwasyon, huwag kayong mawalan ng pag-asa. Huwag kayong magpatalo sa mga lalakeng tulad ng tetris (tawagin natin na lang silang (tetris-plokplok-boom) hahaha. Huwag kayong magpadala sa kanilang matatamis na salita at pangako. Huwag kayong magpaka-tanga at magpaka-martyr. Tandaan ninyo, kayo ay may karapatan at halaga bilang isang tao at babae. Kayo ay may kakayahang magmahal at mahalin ng totoo at tapat.
At sa mga tetris-plokplok-boom dyan, huwag ninyong sayangin ang inyong oras at buhay sa walang kwentang bagay. Huwag ninyong abusuhin ang inyong kapangyarihan at kalayaan. Huwag ninyong saktan at lokohin ang mga babae na nagmamahal sa inyo. Tandaan ninyo, hindi kayo habambuhay makakapaglaro ng tetris. Darating ang araw na mauubusan kayo ng espasyo o maabot ninyo ang pinakamataas na antas. At kapag nangyari iyon, wala na kayong ibang makakasama kundi ang inyong sarili.